Grade-10 dalaga tinangkang gahasain sa Cordon, Isabela

Nahaharap sa kasong attempted rape at paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act) ang isang laborer makaraang tangkaing gahasain ang isang menor de edad sa Cordon, Isabela.

Ang suspek ay si Melvin Garcia, 22 anyos, binata, laborer at residente ng Namamparan, Diadi, Nueva Vizcaya habang ang kanyang biktima ay isang Grade-10 student at residente ng Cordon, Isabela.

Kaagad na nagsumbong sa himpilan ng pulisya ang ina ng biktima sanhi para madakip si Garcia at nang kapkapan ay nakuha sa kanyang pag-iingat ang hinihinalang dahon ng marijuana.

PINAGKUNAN: Binatang nagtangkang manggahasa,nasamsaman ng droga. Bombo Radyo Cauayan. November 14, 2018 | 7:49 PM. www.bomboradyo.com/binatang-nagtangkang-manggahasanasamsaman-ng-droga/

Comments

Popular Posts