2 bata naaktuhang tumitira ng marijuana sa San Isidro, Isabela

Arestado ng mga pulis ang 2 estudyante matapos maaktuhang gumagamit ng marijuana sa likod ng Rural Health Unit ng San Isidro, Isabela nitong Lunes. Ayon kay Senior Insp. Joseph Jonathan Binayug, hepe ng San Isidro police, nakatanggap sila ng sumbong ukol sa ilegal na gawain ng mga binatilyo. Laman ng sigarilyo na pinanghithit ng mga suspek ay marijuana. "'Yung stick ng cigarette, tinanggal 'yung laman then nilagay dun 'yung marijuana para hindi halata na parang naninigarilyo lang sila," ani Binayug. Inaalam na ng pulisya kung saan galing ang ilegal na droga. Napag-alaman din nila na transferee ang mga suspek.

SOURCE: Harris Julio (2018). 'Cardo Dalisay', inaresto dahil umano sa marijuana sa Isabela. Harris Julio, ABS-CBN News. Posted at Nov 21 2018 02:40 AM. https://news.abs-cbn.com/news/11/21/18/cardo-dalisay-inaresto-dahil-umano-sa-marijuana-sa-isabela

Comments

Popular Posts