"Hindi na tayo safe" | Sunud-sunod na nakawan sa iba't ibang barangay sa Cauayan


MENSAHE NI VICTOR H. DY, JR.: Magandang araw po! This past week sunod sunod po ang nakawan sa atin kaya nakikiusap po kami na doblehin po natin ang pag iingat sa ating mga kabahayan araw man o gabi dahil wala pong pinipiling oras ang mga magnanakaw. Hindi po lahat ng lugar ay kayang bantayan ng sabay sabay ng ating mga kapulisan at barangay kaya't kung maaari po ay magadagdag po tayo ng mga security measures sa ating tahanan tulad ng grills sa bintana na di magkakasya ang tao maski bata, padlock. Rest assured, gumagawa po ng aksyon ang mga opisyal di lamang po sa sa barangay kundi sa buong lungsod. Kung may nalalaman po kayong impormasyon tungkol sa mga pangyayari, maaaring ipagbigay alam po ninyo sa barangay o sa ating kapulisan. Maraming salamat po.

Comments

Popular Posts