Trike drivers sa SM City Cauayan, inireklamo sa Facebook dahil sa pangongontrata


Inilabas ni Lindbergh Rivera Aquino, isang Cauayeño, ang kaniyang sama ng loob sa mga tricycle driver sa SM City ng Cauayan City, Isabela dahil sa paniningin umano nila ng mas mataas sa nakatalagang fare matrix.

Hindi ito ang unang beses na nangyari ang bagay na ito sa Cauayan. Noong Enero, maaalalang si Josahna Mendoza Aquino naman ang nagreklamo pero wala pa rin umanong pagbabago ayon sa mga netizen. Daan-daang reklamo na ang ipinahatid sa Facebook pero wala pa ring napapabalitang driver na natanggalan ng prangkisa o privilege dahil dito.
Sabi ni Aquino sa Facebook: "I dont know what’s the matter with these tricycle drivers sa SM CITY CAUAYAN TERMINAL area. We are willing to pay the right amount ng pamasahe pero kokontratahin ka pa sa mas mataas na halaga. Hindi naman sa pagiging inconsiderate, but what they are asking is too much. If people would continue to give them the benefit of their greedines, yung oo nalang at kunsinte nalang sakanila, then they will just have more guts to go beyond what is on the fare matrix with just exploiting their same old reasons."

"Si kuya na naka blue, hinaharang niya pa yung mga kasama niya kasi officer daw siya, and the others would just follow as if they dont have their own mind and brain. C’mon! No wonder why you are receiving a lot of feisty complaints from commuters."

Comments