SAN MARIANO | Titser, patay matapos magsalpukan ang sinasakyang motor at isang truck


RMN NEWS: Patay ang isang guro habang sugatan ang ama nito matapos mabunggo ng truck sa Barangay Alibadabad, San Mariano, Isabela. Kinilala ang nasawi na si Jeffrey Gelacio habang sugatan ang kanyang amang si Romeo Gelacio.

NEWS SOURCE: ROAD ACCIDENT | Isang guro, patay matapos mabangga ng truck ang sinasakyang motorsiklo sa Isabela By RMN News TEAM - May. 22, 2018 at 9:25am; https://rmn.ph/road-accident-isang-guro-patay-matapos-mabangga-ng-truck-ang-sinasakyang-motorsiklo-sa-isabela/. PHOTO SOURCE: Victim's friends and relatives on Facebook

BOMBO RADYO: Namatay ang isang guro habang sugatan ang kaniyang ama matapos mabunggo ng isang truck sa Barangay Alibadabad, San Mariano, Isabela.

Ang namatay ay si Jeffrey Gelacio, tinatayang 25 anyos, isang guro habang sugatan ang kanyang amang si Romeo Gelacio, 45 anyos, kapwa residente ng Brgy. Maranao, San Mariano, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan kay PO3 Jonimar Baingan, ang imbestigador ng San Mariano Police Station na pauwi na ang mga biktima sakay ng motorsiklo ng makasalubong ang truck na minamaneho ni Ronald Clavero, 31 anyos at residente ng Brgy. Alibadabad, San Mariano, Isabela na patungo sana ng Brgy. Filomena upang mag-deliver.

NEWS SOURCE: Makapal na usok sanhi ng aksidente, guro, patay, ama sugatan Posted By: Bombo Radyo Cauayanon: May 21, 2018 | 5:45 PM; www.bomboradyo.com/makapal-na-usok-sanhi-ng-aksidente-guro-patay-ama-sugatan/

Comments

Popular Posts