CABATUAN | Babaeng OFW patay sa Brgy. Calaocan matapos barilin habang namimitas ng talbos ng kamote

Patay sa pamamaril ang isang overseas Filipino worker (OFW) na nagbabakasyon sa kanilang bayan sa Cabatuan, Isabela noong Linggo. Ayon sa ina ng biktima, kararating lamang mula Saudi Arabia ng kanyang anak na si Jenny Constantino, 29 taong gulang, noong Hulyo. Linggo ng gabi nang lumabas si Constantino para mamitas umano ng talbos ng kamote sa kalsada ilang hakbang lang ang layo sa kanilang bahay sa Barangay Calaocan nang pagbabarilin ito ng hindi pa nakikilalang salarin.

(Nagbabakasyong OFW, patay sa pamamaril Annie Pasion, ABS-CBN News Posted at Aug 22 2017 11:46 PM; news.abs-cbn.com/news/08/22/17/nagbabakasyong-ofw-patay-sa-pamamaril) PHOTO SOURCE: http://thefilipinoconnection.net/wp-content/uploads/2017/04/extreme-wide-bangkay.jpg

Comments

Popular Posts