CAUAYAN | 4 estudyante ng ISU, na-food poison
Isa sa apat na estudyanteng mula sa Isabela State University and nagreklamo ukol sa food poisoning na kanilang narananasan matapos kumain ng siomai sa isang food stall sa unibersidad. Ang naturang estudyante na mula Luna, Isabela ay na-confine sa ospital sa loob ng apat na araw.
Ikinagulat naman ito ng administrasyon ng unibersidad dahil sa sila ay nagsagawa muna ng inspeksyon bago pinayagang mag-operate ang mga stalls. Gayunpaman ay nangako si Dr. Precila Delima na tutulungan ang mga biktima. NEWS SOURCE: 4 na kolehiyalang biktima ng food poisoning, tutulungan ng pamunuan ng paaralan; http://www.bomboradyo.com/4-na-kolehiyalang-biktima-ng-food-poisoning-tutulungan-ng-pamunuan-ng-paaralan/; Posted By: Bombo Radyo Cauayan on: June 09, 2018 | 8:23 PM

Comments
Post a Comment